What Is The Meaning ? Of Lathain ?

What is the meaning ? of lathain ?

Ang lathalain ay tinatawag din sa Ingles na Feature Wiriting. Isa itong espesyal na balita maliban sa pagiging tuwirang balita na nakalathalang palagian sa malaking bahagi ng publikasyon. Ito'y kaiba sa tuwirang balita na  pawang mga kaganapan lamang ng mga pangyayari ang tinatalakay. Ang binibigyan ng pagkakataon ay ang daloy ng kaisipan at opinyon, hindi lamang pag-uulat ng mga kaganapan kundi pati na ang panunuri at mga interpretasyon ng pangyayari. Hinahayaan ang mga mambabasa na makiayon sa sa iba't ibang katangian sa pagkatao ng manunulat.

At ang katotohanan ng mga pangyayari ay kinakailangang ilahad ayon sa pagkakasunod-sunod nang sa gayon ito'y matagumpay na maunawaan, masuri at maipaliwanag sa tao ang mga pangyayari at mga kaganapan sa likod nito.

Ang mga katangian ng Tanging Lathalain:

1. Walang tiyak nah aba.

2. Pinakamalaya sa lahat ng uri ng pamahayagang artikulo.

3. Batay sa katotohonan.

4. Gumagamit ng makabagong pamatnubay.

5. Nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan.

6. May panimula, katawan at wakas.

Sa madaling salita ang lathalain ay isang uri ng pag-uulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at isinusulat sa paraang kawili-wili o kasiya-siya sa mga mambabasa. Kung kaya't magaan itong basahin at madaling maunawaan ang bawat salita.  

brainly.ph/question/855003

brainly.ph/question/446748

brainly.ph/question/885584


Comments

Popular posts from this blog

Katangiang Nagpapatunay Na Mahusay Na Pinuno Si Corazon Aquino

Kahulugan Ng Kapagdakay