Sakit Sa Lipunan Ng Kabanata 28 El Filibusterismo?

Sakit sa lipunan ng kabanata 28 el filibusterismo?

El Filibusterismo

Kabanata 28: Pagkatakot

Sakit ng Lipunan:

Sa kabanatang ito ipinakita ang maling paniniwala ukol sa pagpapaaral ng mga kabataan. Iniisip ni Ben Zayb na ang pagpapaaral sa mga kabataan ay nakakasama sapagkat nakakagawa sila ng dahilan na magrebelde. Sinabi ni Ben Zayb na sa tuwing matututo ang mga bata, nagiging rebelde sila at nagdu dunung -  dunungan. Kaya naman ang ilang mga magulang ay mas pinipili na huwag ng pag - aralin ang kanilang mga anak at pag trabahuhin na lamang sila. Kaugnay nito, ang mga prayle ay nagkaroon ng muni muni ukol sa asal ng mga kabataan matapos nila makita ang paskil na humihikayat ng pagbabago. Sa ginawang pani nikil ng mga prayle mahahalata na ang mga ito ay natatakot sa mga kinikilos at iniisip ng mga kabataan. Natatakot sila na kapag naging buo sa mga loob ng mga ito ang himagsikan ay magkaroon ang mga ito ng sapat na tapang upang sila ay kalabanin. Ito ang sakit ng lipunan na umiiral sa mga nakatatanda sa tuwing nagkakaroon ng panibagong kaalaman ang mga kabataan. Ang pagka taranta at pagpapanik ay sakit ng lipunan na nagdudulot ng pagkapraning at dahil dito hindi nila binibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan.


Comments

Popular posts from this blog

Katangiang Nagpapatunay Na Mahusay Na Pinuno Si Corazon Aquino

Kahulugan Ng Kapagdakay