Please We Tulongan Nyuu Akoo, Answer The, Buod, Talasalitaan And Taoh An, Sa Babasa Nito , 1 , Salamat Sa Iyo, O Nanansang Irog, , Kung Halagahan Mo I
Please we tulongan nyuu akoo
Answer the, Buod, talasalitaan and taoh an
Sa Babasa Nito
1
Salamat sa iyo, O nanansang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula may bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.
2
Kung sa biglang tingiy bubot at masaklap,
palibhasay hilaw at mura ang balat;
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawanat dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigit alpay nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
4
Kung sa pagbasa moy may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasat hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.
5
Ang may tandang letra alinmang talata,
di mo mawatasat malalim na wika,
ang matay itingin sa dakong ibaba,
buong kahulugay mapag-uunawa.
6
Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundoy huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tulay umalat.
Sa Babasa Nito
Nais ipabatid dito ni Francisco Balagtas na alam niyang darating ang panahon na kakaunti na ang makakaalam at makakaunawa ng kanyang ginawang akda subalit ninanais niyang hilingin sa makabagong henerasyon na huwag sanang baguhin ang pagkakasulat, paraan at istilo nito upang mapanatili ang kagandahang taglay ng tula. Gayundin, sapagkat nalalaman niya na maraming mga salitang ginamit ang maaaring hindi natin maunawaan ninanais niyang huwag itong maging batayan upang masabi nating masama ang kanyang isinulat sapagkat nararapat na alamin natin ang bawat salita at ang mga nakatagong simbolismo upang mas maunawaan at masabing napakaganda nang tulang ito.
Ang tauhan sa tulang ito ay ang lahat ng mga mamamayan o tao matanda, bata, mayaman o mahirap man na makakabasa ng kanyang isinulat na tula o awit na mag-iiwan ng aral sa ating mga isipan.
Ang ilan sa mga mahahalagang salita nararapat nating malaman ang kahulugan ay ang mga sumusunod sa pamamagitan nito sana'y mas maunawaan ang isinulat ni Balagtas:
1. Bubot – mura o bata pa
2. Irog – mahal
3. Tumarok – mag-isip; bumasa
4. Pantas – pinuno
5. Dustain – laitin
6. Malinaw – tama
7. Mawatasa't – maunawaan o maintindihan
8. Umalat – sumama ang lasa
9. Hatulan – siraan
10. Abang – mababa o mapagkumbaba
Comments
Post a Comment